Stephen Curry #30 of the Golden State Warriors (Noah Graham / NBAE / Getty Images / AFP)
Stephen Curry #30 of the Golden State Warriors (Noah Graham / NBAE / Getty Images / AFP)

OAKLAND, California (AP) — Hataw si Stephen Curry sa naiskor na 33 puntos para sandigan ang Golden State Warriors kontra Chicago Bulls, 143-94, sa kabila nang hindi paglalaro nina Kevin Durant at Draymond Green nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nag-ambag din ng todo si Klay Thompson nang kapwa ma-bench sina Durant at Green na partehong nagtamo ng sprained sa paa.

Maagang nakuha ni Curry ang shooting stroke para maitala ang ikapitong 30-point mark sa kanyang career sa halftime.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Naitala niya ang 10 for 18 sa field, tampok ang apat na 3-pointers, habang kumubra si Thompson ng 29 puntos mula sa 12-of-17 shooting, kabilang ang limang three-pointer. Kumana rin big man Zaza Pachulia ng season-best 11 puhntos at career-high anim na assists.

Nanguna sa Bulls si Jerian Grant sa naiskor na 21 puntos, habang kumana sina Lauri Markkanen at Valentine ng 14 at 10 puntos.

PISTONS 99, THUNDER 98

Sa Oklahoma City, naungusan ng Detroit Piostons, sa pangunguna ni Andre Drummond na may 17 puntos at 14 rebounds, ang Oklahoma City Thunder.

Nabalewala ang triple-double ni Russell Westbrook -- 27 puntos, 11 assists at 11 rebounds – matapos maimintis ang huling three-pointer sa buzzer. Nailista niya ang anim, na tres.

Naghabol ang Pistons mula sa 10 puntos na bentahe at nakuha ang unang tikim sa bentahe sa jumper ni Ish Smith at nasundan ni Luke Kennard para sa 88-84.

Nagmintis ang Oklahoma City sa mga sumunod na possession, tampok ang pinakaimportanteng basket ni Westbrook na tumama lamang sa rim.

Kumubra si Smith ng 15 puntos.

Nag-ambag sina Carmelo Anthony at Paul George ng 20 at 16 puntos, ayon sa pagkakasunod.

CAVS 100, HORNETS 99

Sa Cleveland, nalusutan ng Cavaliers ang Charlotte Hornets.

Kumuba si LeBron James ng triple double – 22 puntos, 12 rebounds, 13 assists – para sa ika12 panalo ng Cavas sa 19 laro.

Kumubra si JR Smith ng 15 puntos at humugot si Kyle Korver ng 13 puntos.

Nanguna si Dwight Howard sa Hornets na may 20 puntos at 13 rebounds, habang nag-ambag si Marvin Williams ng 17 puntos at Michael Kidd-Gilchrist na may 16 puntos.

CELTICS 118, MAGIC 103

Sa Boston, ratsada si Kyrie Irving sa naiskor na 30 puntos sa panalo ng Celtics kontra Orlando Magic.

Matapos matuldukan ang 16-game winning streak sa Miami, bumalikwas ang Celtics para sa maitala ang season-high 40 puntos sa first quarter at 73 puntos sa halftime.

Nanguna sa Magic si Jonathon Simmons na may 14 puntos, habang nagsalansan si Nikola Vucevic ng 12 puntos at 11 rebounds.