PINASAYA ni Marian Rivera ang mga lolo at lola ng Luwalhati ng Maynila Home for the Aged kamakailan lalo na nang sayawan niya ang mga ito ng kanyang hit song na Sabay-Sabay Tayo.

MARIAN AT MGA LOLA copy copy

Kasama niya ang ilan sa cast ng Super Ma’am na sumama at nakisabay na rin sa pakikipagsayaw sa elderlies.

Pinaulanan si Marian ng magagandang comments ng kanyang fans nang lumabas sa social media ang mga kuha sa pagdalaw niya sa mga lolo at lola. Mayroong mga nag-wish na sana ay lalo pang madagdagan ang blessings ni Marian para maging tuluy-tuloy lang ang paggawa niya ng charity events.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

Samantala sa Super Ma’am, naisahan ang bagong Pinay superhero nang pinuntiryahin ng mga manananggal ang pamilya niya.

Sa pag-iimbestiga niya kay Jill (Diana Zubiri), natuklasan niyang nag-iipon ito ng mga fetus, isang patunay na manananggal nga ito. Nang komprontahin niya, nalaman niyang nasa kamay na pala ng ibang manananggal ang pamilya niya.

Inaabangan kung paano lalabanan ni Super Ma’am ang mga manananggal at kung paano niya maililigtas ang mga mahal niya sa buhay.