NAPAGTAGUMPAYAN ni Jim Carrey ang depression, matapos ang maraming taong pakikihamok sa mental disorder.
Dati nang ibinunyag ng 55-anyos na aktor na nilalabanan niya ang depression noong kasagsagan ng kanyang kasikatan, nang magbida siya sa mga pelikulang The Mask at Ace Ventura: Pet Detective. Ngunit sa bagong panayam ng i newspaper ng Britain, inilahad ni Jim na nalagpasan na niya ang maitim na ulap na dating lumamon sa kanya.
“At this point, I don’t have depression. There is not an experience of depression,” paliwanag niya. “I had that for years, but now, when the rain comes, it rains, but it doesn’t stay. It doesn’t stay long enough to immerse me and drown me anymore.”Inilarawan ang sarili na “sometimes happy”, idinagdag ni Jim na: “What’s happening is really good, but there is some really bad in there too... Some people have come at me in the last couple of years with the intent of breaking off a piece of the Holy Grail for themselves, but the Grail isn’t a thing that you can break off. So they’re going to learn that the hard way. It’s not pleasant.”
Naging laman ng mga balita kamakailan si Jim dahil sa wrongful death lawsuit na dulot ng pagpanaw ng kanyang ex-girlfriend na si Cathriona White, na diumano’y sinusuplayan niya ng droga na nagresulta sa pagkamatay nito.
Gayunman, iginiit niya na sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanan niya ay wala siyang pinagsisisihan.
“I’m perfectly fine with everything that has happened, even the horrible s**t you know, in life and in art,” paliwanag niya.
“There is a lot of satisfaction about looking back at those things.”
Nananatiling isa sa Hollywood’s highest-paid actors si Jim, at mapapanood sa TV series na Kidding, na nakatakdang ipalabas sa susunod na taon. Ngunit kung dati ay prayoridad niya ang kanyang estado sa industriya, iginiit ng double Golden Glove winner na ngayon ay wala na siyang pakialam sa iisipin ng ibang tao tungkol sa kanya.
“I’m free of the business. I’m not the business,” aniya. “I don’t care what people think of me after I die. All I want is for people to think of me as a good energy here, a nice fragrance that has been left behind.” - Cover Media