Ni: PNA

IPINAHAYAG ng Department of Health (DoH) at mga nagsusulong ng mental health ang kanilang pag-asam na maisabatas kaagad ang Comprehensive Mental Health bill na inaprubahan ng Kamara de Representantes.

“We welcome this development as it shows that legislators also put mental health as among their priorities, just like the DoH. We really hope that the bill would be finalized and passed as soon as possible,” lahad ni Department of Health spokesperson, Dr. Lyndon Lee Suy.

Sinabi ni Lee Suy na patatatagin ng panukala ang mga programa ng kagawaran hinggil sa kalusugan ng pag-iisip.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Gayundin, sinabi naman ni Mental Health Alliance (MHA) Co-Convener Dr. Gia Sison na umaasa silang malalagdaan ang panukala bilang batas bago mag-Pasko.

“We are hoping that after the bicameral conference committee, it would be signed into law by the President,” ani Sison.

“Truly, help will be on its way for those Filipinos who are suffering. Mental health concerns are real, and this bill will usher in real solutions,” dagdag pa niya.

Inihayag din ng opisyal ng Philippine Psychiatric Association (PPA) na si Dr. June Lopez, na gusto nilang makita ang mabilisang pag-apruba sa panukala.

“The passage of the bill into law will seal the government’s commitment to promote mental health services to Filipinos who need it,” ani Lopez.

Inaprubahan ng Kamara nitong Lunes ang ikatlo at pinal na pagbasa sa House Bill No. 6452, na layuning isulong ang kamalayan sa kalusugan ng pag-iisip, mapigilan ang mga problema sa pag-iisip, at wastong paggamot sa mental disorders.

Nagpasa na ang Senado ng sarili nitong bersiyon ng panukala noong Mayo. Layunin ng Senate Bill No. 1354 o ng Mental Health Act 2017, na itaguyod ang national mental health policy upang palakasin ang mga serbisyo sa kalusugang pangkaisipan.

Layunin din nitong itaguyod ang kapakanan at proteksiyunan ang mga taong nakikinabang sa mga serbisyong psychiatric, neurologic at psychosocial health, sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo sa mga ito.

Makaraang pag-isahin ng bicameral conference committee ang mga pagkakaiba sa dalawang panukala ng Kamara at Senado, ang consolidated bill ay isusumite na sa Office of the President upang lagdaan bilang isang ganap na batas.