Ni: Rommel P. Tabbad

Habambuhay na pagkabilanggo ang inihatol ng Quezon City Regional Trial Court sa isang Filipino-American nang mapatunayang guilty sa kasong rape.

Si Jansen Rey Ruckenbrod ay sinentensiyahan ni Judge Juris Dilinila-Callanta ng QCRTC branch 85, o 40 taong makukulong matapos mapatunayang nagkasala sa kasong forcible abduction with rape.

Bukod dito, hinatulan din si Ruckenbrod ng 10 taong pagkakakulong sa kasong rape through sexual assault.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Inatasan din siya na magbayad ng P235,000 danyos sa biktima para sa civil, moral, at exemplary damages.

Si Ruckenbrod ay inaresto noong 2010 matapos niyang dukutin, kasama ang dalawang lalaki, ang isang guest relations officer (GRO) na makailang beses umano nitong pinagsamantalahan.

Tinakot pa umano ng mga ito ang biktima na papatayin kapag nagsumbong sa pulisya.

Paliwanag ng hukuman, hindi rason ang pagiging GRO ng biktima para maabsuwelto ang akusado.