Ben Askren (ONE Championship)
Ben Askren (ONE Championship)

KONTRA sa mabilis ang matikas na si Shinya ‘Tobikan Judan” Aokli ng Japan sa laban na napababalitang huling aksiyon ng American star sa ONE Fighting Championship, naitarak ni Askren ang panalo via ‘stoppage’ sa main event ng “ONE: Immortal Pursuit” nitong Biyernes ng gabi sa Singapore Indoor Stadium.

Sa co-main event ng blockbuster card, nagdiwang ang crowd sa panalo ng local hero na si Amir Khan kontra kay Adrian Pang ng Australia.

Nangailangan lamang si Askren ng 57 segundo sa unang round para magapi ang karibal na itinuturing na alamat sa mixed martial arts.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

“I think this is it. If I get the opportunity to prove I’m number one, then I’ll take the opportunity. I don’t need any more money. I just want to show the fans that I’m the best welterweight in the world. Other than that, I’m out,” pahayag ni Askren.

Sa pinakaaabangang duwelo nina Brazil’s Leandro “Brodinho” Issa at South Korea’s Dae Hwan “Ottogi” Kim, tunay na kinagiliwan ng crowd ang palitan ng suntok at wrestling ng magkaribal sa loob ng tatlong round, ngunit nakuha ng Brazilian jiu-jitsu black belter ang panalo via unanimous decision.

Kinapos naman si Pinay standout Gina Iniong laban sa beteranang si Mei “V.V” Yamaguchi via decision. Sumabak si Iniong, nagtala ng limang sunod na panalo, bilang kapalit ni ONE atom weight champion Angela Lee na napinsala sa isang car accident may dalawang lingo bago ang fight night.

Hindi rin pinalad ang kababayan niyang si Richard Cormila na natalo via submission kay Arnaud “The Game” LePont.