Ni: Liezle Basa Iñigo

Dalawang katao na magde-deliver ng food items mula sa dalawang fast food restaurant ang pinaulanan ng bala sa Barangay Naganacan, Sta. Maria, Isabela.

Ayon sa report, sakay ang dalawa sa Isuzu refrigerator van truck (RND-306) nang paulanan ng bala ng tatlong armado.

Masuwerte namang hindi natamaan ng bala ang mga biktimang sina Diosdado Rosaga ,46, driver, residente ng Bgy. Bantug, Bongabong, Nueva Ecija; at Richard Oabel, 21, ng Bgy. Kanluran Palale, Tayabas City.

Probinsya

Minimum wage earners, kasambahay sa Caraga, may umento sa sahod!

Inaalam na ng pulisya kung sino ang mga salarin.