Ni NORA CALDERON

HUMANGA at pinuri ni Ms. Mel Tiangco, host ng drama anthology ng GMA-7 na Magpakailanman, si Alden Richards sa hindi pagtanggi sa mahirap na role ni Pfc. Jomillie Pavia ng Marawi Suicide Squad.

Alden copy copy

Titled “Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo,” mapapanood na ito mamayang gabi bilang last episode ng 5th anniversary celebration ng Magpakailanman.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Si Alden, nag-volunteer pang gumanap sa role ni PFC Jomillie, nang malaman niyang gagawa ng Marawi episodes ang drama anthology,” kuwento ni Ms. Mel. “May soft spot kasi si Alden na gumawa ng mga bagay na makatutulong o makapagbibigay ng inspirasyon sa mga kapwa niya. Ganoon si Alden, hindi siya arte-arte lang, ‘yun talaga ang nasa puso niya. Kaya hindi na kami nagdalawang-isip na ibigay sa kanya ang role, nang sa kanya pa nanggaling iyong gusto niyang gumanap ng isang episode tungkol sa Marawi, sa mga sundalong nagbigay ng buhay nila, pagbibigay-pugay daw niya sa mga kasundaluhan natin. Kaya isang napakalaking pagkakataon para sa amin sa Magpakailanman na siya ang gumanap sa true life story ni Pfc. Jomillie Pavia. Maraming salamat, Aldlen.”

Based nga sa ipinalalabas na trailer ng Magpakailanman sa mga programa ng GMA-7, makikitang hindi madali ang pagganap ni Alden at ng co-actors niyang sina Ervic Vijandre at Phythos Ramirez lalo na sa mga eksenang nakikipaglaban sila. Two days silang nag-taping sa Baguio City at labis ang pasasalamat nila sa Philippine Constabulary na nagpahiram sa kanila ng mga tunay na sasakyang gamit sa giyera at pag-alalay sa kanila sa tamang paggamit nito. Whole day naman silang nag-taping ng war scenes sa kabundukan ng Cavinti, Laguna.

Mas mahirap ang mga eksena ni Alden sa Magpakailanman kumpara sa katatapos din niyang Martial Law special na “Alalala” ng GMA News & Public Affairs. Mas mabibigat ang mga eksena niya rito.

Napapangatawanan ng Magpakailanman ang paghahatid ng mga tunay na kuwento ng mga tunay na tao na ginagampanan ng Kapuso artists upang makapagbigay ng inspirasyon, aral at iba’t ibang impormasyon sa mga manonood.