Ni Brian Yalung

WALA pang kongretong plano si Robert Bolick sa professional level, ngunit sa kasalukuyan buo na ang plano niya sa pagtatapos ng career sa collegiate basketball – masungkit ang three-peat title para sa San Beda College.

Hindi maikakaila na si Bolick ‘ang puso at kaluluwa’ sa matagumpay na magdepensa ng San Beda Red Lions sa NCCA men’s basketball title laban sa inaakala ng marami na ‘immortal’ na Lyceum of the Philippine Pirates.

bolick copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

At kung pumalaot siya sa nakalipas na PBA rookie draft, kabilang si Bolick sa tiyak na top pick players.

“Composure lang at kinayod lang yung press break nila. Magaling kasi talaga sila sa trap. Pero nung ma-limit namin turnovers namin, mas lumaki chances namin manalo,” pahayag ni Bolick, pagbabalik-gunita sa matagumpay na kampanya sa best-of-three title series laban sa No.1 team na Pirates.

Matapos ipagpaliban ang planong maging pro, nais ng 6-foot-1 guard na tapusin ang huling taon ng college career sa San Beda sa makasaysayang three-peat.

“Kasi kelangan ko ibalik yung trust na binigay sa akin ng San Beda. So I wanted to play for one more year. Dedication ko talaga maglaro ng three years,” sambit ni Bolick.

Bukod sa kampeonato, nais niyang makatanggap ng diploma bilang isang tunay na ‘graduate’.

“Mahal ko lang talaga yung school (San Beda) and gusto ko din maka graduate muna,” aniya.

Nagsimula nang kanyang career si Bolick sa La Salle, ngunit nagdesisyon siyang lumipat sa San Beda na aniya’y isa sa pinakamagandang desisyon na nagawa niya sa buhay.

“Of course nagamit ako eh!. Masaya naman,” aniya.

Bilang paghahanda sa kanyang plano sa San Beda, sasabak muna si Bolick at ang kanyang tropa sa school-based PBA D-League.

At hindi maikakaila na sa 2018 PBA Draft, tiyak na ang career ni Bolick.

“Nakakataba ng puso pero di ko pa din pinapasok sa ulo ko. Laro lang and improve kung ano kelangan kong i-improve then bahala na yung ibang tao mag-decide. Wala naman pressure basta alam ko lang na ginawa ko ang lahat ng kaya ko, masaya na ako,” pahayag ni Bolick.