Ni CHARISSA M. LUCI-ATIENZA

Inihihirit ng isang baguhang kongresista na obligahin ang lahat ng operators, franchise holders at service providers ng mass transport passenger trains at light rail services na kumuha ng third-party liability insurance coverage para sa proteksiyon at kapakanan ng mga pasahero.

Inihain ni Aangat Tayo partylist Rep. Neil Abayon ang House Bill 6680 bilang tugon sa maraming insidente sa light rails at railways sa bansa na nagreresulta sa pinsala at kamatayan ng mga pasahero.

“The Department of Transportation (DOTr) cannot keep on drawing money from its discretionary funds to pay for hospitalization and recovery expenses of victims…Insurance is the appropriate long-term solution,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi niya na titiyakin ng hakbang na ito na mabibigyan ng maayos na kompensasyon ang lahat ng biktima.

“While DOTr is still working out their solutions to MRT, PNR, and LRT woes, the viable way to respond to passenger injuries and deaths should include insurance solutions. No man-made system can ever be perfect or 100 percent efficient. There will be incidents and accidents and that is why there must be insurance,” ani Abayon.

Inaatasan ng panukalang Comprehensive Third-Party Liability Insurance for Rail and Light Rail Mass Transport Act ang DOTr, Insurance Commission, Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magbalangkas at magpatupad ng implementing rules and regulations.