Ni: Rommel Tabbad
Inaasahang mas maraming malakas na bagyo ang tatama sa bansa simula sa Disyembre hanggang sa Marso 2018.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil sa posibleng pamumuo ng La Niña sa Pacific Ocean.
Sinabi ng PAGASA na abnormal ang pagtaas ng temperatura ng tubig sa Pacific Ocean, isang kondisyon na maaaring magdulot ng mas maraming malakas na bagyo.
Ang mga bagyong ito ay maaaring magdulot ng pagbaha at landslides sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag pa ng PAGASA, dapat paghandaan ito ng mga mamayan para na rin sa kanilang kaligtasan.