NI: Nitz Miralles

KABILANG si Kris Bernal sa inductees sa 2017 Walk of Fame. Tuwang-tuwa ang dalaga na finally, may star na siya sa Eastwood City.

KRIS BERNAL copy copy

Sa kanyang social media account, ipinost ni Kris ang star na may nakasulat na pangalan niya at sa isa pang picture ay makikita siyang nakaupo sa tabi nito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

“God heard me and He responded. Another answered prayer. This is the 12th year of the Walk of Fame as propagated by Kuya Germs. Thank you to the Walk of Fame members. I feel important and more inspired to do more great things in showbiz. I am greatly honored to be part of it. Thank you GMA Network and GMA Artist Center for making this dream a reality. I dedicate this to my family, friends, and supporters.”

Mas ikinatuwa ni Kris na hindi lang supporters niya ang nag-congratulate sa kanya kundi pati na ang mga kaibigan niya sa industry. Katunayan ito na aprubado sa kanila na napabilang na siya sa inductees sa Walk of Fame this year.

Samantala, nakaplano na ang bakasyon ni Kris sa Iceland kapag natapos na ang taping niya ng Impostora. Namili na siya ng winter clothes para ready na siyang umalis.

“My reward to myself when I finish #Impostora is a trip to Iceland. Shopping for new winter clothes and gear to keep me toasty!”