Ni: Fer Taboy

Nadakip ang pinsan at kanang-kamay ng napatay na lider ng Ansar Al-Khilafah Philippines na si Mohammad Jaafar Maguid sa isang operasyon sa Sarangani, nitong Miyerkules.

Iniharap kahapon sa mga mamamahayag ng Police Regional Office-12 si Akbar Maguid Buyoc.

Napatay si Maguid ng magkasanib na puwersa ng pulisya at militar sa isang beach resort sa Barangay Kitagas, Kiamba, Sarangani noong Enero 5, 2016.

Probinsya

₱1.8M halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Bacolod; 2 arestado!

Nahuli si Buyoc sa kanyang bahay sa Sitio Dampilan, Lumatil, Maasim, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Senior Supt. Johnson Almasan, deputy director for operations ng PRO-12, may hawak na granada si Buyoc nang masukol siya ng mga pulis at hindi na nagawa pang lumaban.

Kakasuhan si Buyoc ng rebelyon at nakatakda siyang dalhin sa Metro Manila.