Ni: Reggee Bonoan

“MUKHANG may bisyo.”

Ito ang narinig naming komento tungkol sa character actor na nakita sa isang malaking event na humpak ang pisngi, malayung-malayo sa dati nitong itsura.

Inisip namin na baka sadyang nag-reduce o nag-diet bilang paghahanda para sa bago niyang proyekto, pero ang hirit ng katoto, “Hindi, nanuyot, eh. Baka may bisyo nga.”

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Bigla naming naalala ang pambubuking sa character actor ng isa namang character actress na minsan itong nalulong sa masamang bisyo nang ma-depress dahil walang project bukod pa sa wala ring love life.

Pinagtsitsismisan din ng ilang nakakakilala sa character actor na pinagpasa-pasahan siya ng mga matrona at may gays din, kaya raw nanuyot.

Kung totoo ang lahat ng ito, sayang naman ang character actor na marunong pa namang umarte. Totoo nga, ang layu-layo ng itsura niya ngayon sa boy next door na dating niya noon, anyare?

“Ganyan talaga ‘pag isinabay mo ang bisyo at sex,” dagdag ng isa pang katoto.