Ni NITZ MIRALLES
ANG Korean actor na si Andy Ryu o Ryu Sang Wook ang bagong karagdagan sa cast ng My Korean Jagiya.
Siya ang minsang nai-tweet ni Heart Evangelista na sorpresa ng series at big twist ng plot. Para mas madaling tandaan, Andy Ryu ang magiging screen name ng aktor habang nasa bansa at lumalabas sa My Korean Jagiya.
Pang-apat na pagpunta na ni Andy Ryu sa Pilipinas, nakapunta na siya sa Cebu at Bohol, pero itong huling pagpunta niya bilang artista ng GMA-7 ang pinakamatagal niyang stay. One month o baka umabot pa siya ng isang buwan at kalahati rito, depende sa magiging reaction ng viewers sa kanya at sa karakter na gagampanan sa My Korean Jagiya na si Lee Gong Woo.
Maganda ang back story ng karakter ni Andy Ryu sa Kapuso serye, nagpunta siya ng Manila dahil magpo-promote ng movie niyang Bus to Busan, maghahanap ng translator, at si Gia (Heart) ang makukuha.
Magkakagusto siya kay Gia at dito na papasok ang problema dahil siyempre magseselos si Jun Ho (Alexander Lee).
Tiniyak ni Ms. Redgyn Alba na kikiligin din ang fans kina Heart at Andy Ryu at mahahati ang puso at atensiyon nila kina Andy at Alexander.
Nag-taping na si Andy Ryu at ipinakita na kagabi ang karakter niyang si Lee Gong Woo.
Sina Heart at Alexander pa lang ang nakakaeksena niya, pero may nakita kaming picture na kasama nila si Myke Salomon.
Sinabi ng mga reporter na nag-interview kay Andy Ryu na may hawig siya kay Song Joo-ki pero hindi ang press people ang unang nakapansin nito. Kwento ni Anty through a translator, maging sa Korea ay napagkakamalan siyang si Song Joong Ki.
Minsang naglalakad siya sa Korea na naka-cap, may mga nakakita sa kanyang Japanese at Filipino tourists at nag-akalang siya si Song Joong Ki at ayaw maniwalang hindi siya ang sikat na aktor. Hindi na niya napigilan nang magpa-picture ang mga ito sa kanya.
Kuwento ni Andy Ryu (via a translator pa rin), magkakilala sila ni Song Joong Ki dahil nagkasama sila as students sa isang Acting Academy.
Anyway, nagpapasalamat si Andy Ryu sa GMA-7 sa chance na mapasama sa My Korean Jagiya at mapanood sa local TV. Mag-i-enjoy daw ang viewers dahil most of his lines are in Korean lalo na ‘pag sila ni Alexander ang magkaeksena.