Ni REGGEE BONOAN

MARAMI ang humanga kay Angel Locsin nang makunang nagwawalis ng nakakalat na confetti sa ginanap na Pilipinas Got Talent Season 6 audition sa Cebu kamakailan.

ANGEL copy copy

Nag-viral ang in-upload na video sa Facebook ng isang nagngangalang Toto Junior (na tila isa sa mga nag-audition) na nagwawalis si Angel sa puwesto ng kinauupuan ng mga hurado at tumayo pa si Robin Padilla para bigyang daan ang aktres.

Human-Interest

ALAMIN: Ano ang silbi ng ‘bollards’ at paano nito pinipigilan ang aksidente?

May narinig pang nagsabi kay Angel ng, “Bitawan mo ‘yan. Bitawan mo ‘yang walis.”

Pinuri naman ni Kim Lee Wook ang isa sa PGT judges ng, “Ang super bait ni Ms. Angel Locsin. Everytime may #GlodenBuzzer naglilinis siya ng confetti. Super bait niya. Bawal to but hap hehe #PGT6.”

Sa mga hindi nakakaalam, sadya lang talagang ganito si Angel sa likod ng kamera. Sa taping man para sa telebisyon o sa shooting ng pelikula, kapag nakikita niyang may kailangang gawin ay siya mismo ang nagkukusa at hindi na hinihintay pa ang production staff na gawin ito. Pati nga pagkuha ng inumin o kape, hindi na niya inuutos at siya mismo ang gumagawa.

Samantala, bubuhayin ni Angel bilang si Jacintha Magsaysay ng La Luna Sangre si Samantha (Maricar Reyes–Poon) ngayong hindi pa siya puwedeng humarap kaySupremo/Sandrino (Richard Gutierrez) dahil makikila na siya.

Nagulat na nagtanong si Prof T (Albert Martinez) kung paano mangyayari iyon dahil ginawa na nito ang lahat para muling mabuhay si Samantha, pero napaisip siya dahil nakita niya si Jacintha bilang ang babaeng naka-pula na maraming kapangyarihan.

Ang tanong, mas lumakas din kaya ang powers ni Samantha sa muling pagkabuhay nito? Kaabang-abang ang pagbabalik ng isa pang babaeng nakapula, sa paniniwala ni Sandrino/Supremo (Richard).