Ni: Beth Camia

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating presidential spokesman Ernesto Abella bilang bagong undersecretary ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Inilabas kahapon ng Malacańang ang appointment papers ni Abella na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Oktubre 27.

Si Abella ay pinalitan ni Sec. Harry Roque bilang presidential spokesman. Sinabi ng Pangulo na personal niya itong desisyon.

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

Bago napunta sa Malacañang, si Abella ay masugid na tagasuporta ni Duterte noong nakaraang halalan. Isa siyang executive sa Davao City-based agricultural products manufacturer at local cooperative, Christian pastor, at newspaper columnist.