Ni: Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac - Nauwi sa saksakan ang inuman sa Barangay Sta. Lucia, Capas, Tarlac makaraang magkainitan ang dalawang lalaki, nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang sugatan na si Edgar Mendoza, 54, may-asawa, ng nasabing lugar. Siya ay nagtamo ng saksak sa dibdib at likod.

Habang ang suspek ay si Jonathan Estrada, 40, residente sa nasabing barangay.

Probinsya

5 drug suspects, arestado matapos masabatan ng halos ₱2M halaga ng umano’y shabu

Nag-iinuman umano ang dalawa at nagkaroon ng pagtatalo, hanggang sa kumuha ng icepick si Jonathan at pinagsasaksak si Edgar.