Ni: Erik Espina

SA Cebu, may isang parokya na ang kapamilya ng kura paroko ay nakatira sa kumbento ng mga pari. Sila ang “dynasty” na namamahala sa simbahan at nangongolekta ng mga alay. Noon sa Negros Oriental, ipinagbawal ng Obispo ang pagbibinyag sa mga sanggol na hindi kasal ang mga magulang.

Napailing tuloy ang karamihan. Bakit ipagkakait sa pobreng inosente ang sagradong sakramento? Bale ang kasalanan ng magulang, hambalos at latak sa walang kamuwang-muwang na sanggol?

Tinawagan ko ang kaibigan kong Monsignor sa kalapit na lalawigan. Paliwanag niya, baka ganoon ang atas ng nakatataas sa probinsiya. Sa kanila, pinapayagan naman binyagan. May nakausap din akong alagad ng simbahan (sa ilalim ng striktong Obispo).

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Bulong niya, ipasikreto ng aking kaibigan sa isang kumbento na may nagmimisang pari ang binyagan. Ito ‘yung panahon sa Negros Oriental kung saan ang lahat ng koleksiyon ng iba’t ibang parokya, diretso sa tanggapan ng diocese.

Allowance lang ang iniaabot sa mga pari. Bawal din ang kasal at misa sa kapilya ng mga bukid. Kailangan bumaba sa patag ang mahihirap para magpakasal at sumampalataya. Ang misa para sa patay ay limitado lamang sa isa.

Ang pulitika sa simbahan ay tumingkad din sa isang dating Cardinal. Hindi pinahihintulutan ang pari na magmisa sa tahanan (na may kapilya) ng kilalang pulitiko. Napilitan ang mataas na mambabatas na kumuha ng pari mula sa Obispo ng Bulacan para magmisa tuwing Linggo.

Ang magandang simbahan ng San Beda College (SBC) sa Mendiola, Maynila ay biktima rin ng pulitika. Ang napakagandang altar na naging lundo ng ilang dekadang kasalan ng mga ‘Bedista’, bawal na rin. Sa utos ng isang prinsipe ng simbahan, taong 2004 hanggang kasalukuyan, ang mga pari ng SBC ay ‘di pwede magdaos ng kasamyento. Ang dahilan, kapilya lang daw ito! Ganoon?

Bumisita kayo at baka mamangha, kasi itinulad lang sa tuta ang isang Doberman. Puwede pa rin daw magmisa roon, kaya lang sahat ang pag-iisang dibdib. Mas tinatanganan pala ang kasalan kaysa misa sa ganoong ayos. Pahirapan ang pag-ibig ituwid sa harap ng altar.

Koleksiyon at abuloy sa kasalan ba ang problema? Kaya dapat sa Parokya ng St. Jude Church idiretso?