Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz

Inihayag kahapon ng weather bureau na magiging maulan sa mga susunod na buwan, o simula Disyembre hanggang Marso, habang patuloy na lumalaki ang tsansang makaranas ng La Niña ang bansa sa huling bahagi ng taong ito.

Ayon kay Ana Liza Solis, OIC ng Climate Monitoring and Prediction Section ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), patuloy sa paglamig ang karagatan na senyales na namumuo ang La Niña.

Una nang tinaya ng iba’t ibang international climate center na may 70 porsiyentong tsansa na mamuo ang mahinang La Niña sa susunod na buwan at tatagal ito hanggang Marso 2018.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Bagamat hindi malakas na La Niña, sinabi ni Solis na maaari itong magdulot ng maraming ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga susunod na buwan.

Paliwanag pa ni Solis, kapag may La Niña ay mas tumitindi ang init ng hangin sa Pacific Ocean at mapipigilan nito ang pagpasok ng amihan—ang malamig na hangin tuwing magpa-Pasko—sa bansa.