Ni BERT DE GUZMAN

NAGBUO ng technical working group (TWG) ang House Committee on Government Reorganization at Committee on Youth and Sports Development para sa isinusulong na paglikha ng Department of Sports (DOS).

Ang TWG, inatasang magsaliksik, mag-aral at magplano para sa DOS ay pinangangasiwaan nina Reps. Xavier Jesus Romualdo (Lone District, Camiguin) at Conrado Estrella III (Party-list, ABONO).

Ang desisyon sa paglikha ng isang TWG ay napagkasunduan ng dalawang komite matapos ang magkasanib na pagdinig ng House Bill 65 nina Reps. Karlo Alexei Nograles (1st District, Davao City), PBA Party-list Reps. Jericho Jonas Nograles at Mark Aaron Sambar; HB 287 ni Rep. Michael Romero (Party-list, 1-PACMAN); at HB 3633 ni Rep. Cristina Roa-Puno (1st District, Antipolo City).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sinabi ni Romualdo na ang rationale ng mga panukala sa paglikha ng isang Department of Sports ay nakapagkaloob sa “necessary focus, impetus, and adequate funding for the country’s sports development program to enable the Filipino athletes to get access to full training and exposure.”

“The proposal to create a Department of Sports is a response to the clamor to improve the dismal performance of Filipino athletes in international sports competitions,” ayon sa mensahe nina Romualdo at Estrella.

Wala namang linaw kung papalitan nito ang Philippine Sports Commission (PSC) na kasalukuyang nangangasiwa sa pagsasanay at paglahok ng Pambansang atleta sa lokal atr international competition.

ANG PSC ay binuo noong 1990 sa bisa ng Republic Act. 6847 bilang ‘sole policy-making and coordination body of all amateur sports development programs and institution in the Philippines.

Pangunahing gawain din ng PSC ang mangasiwa, magtakda ng programa para isulong ang adhikain ng pamahalan na palakasin ang programa sa grassroots sports..