Ni: Gilbert Espeña

NAUWI lamang sa tabla ang laban ni Grandmaster-elect Ronald Dableo kontra kay GM Darwin Laylo para magkampeon sa 2nd Red Kings Chess Tournament Open individual event nitong Linggo sa Colegio de San Juan de, Letran Gymnasium sa Intramuros, Maynila.

Tumapos ang coach ng University of Sto. Tomas chess team at isa sa top players ng Philippine Army Chess Team na malinis ang kartada sa pitong laro na may anim na panalo at isang tabla para maibulsa ang top prize na P8,000.

Sa panig ni Laylo, coach ng Ateneo de Manila University chess team at miyembro rin ng Philippine Army Chess Team, nakalikom siya ng 6.0 na puntos, kapantay nina IM Joel Pimentel, NM Alcon John Datu at Guadalupe chess club blitz king Sherwin Tiu.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nagpakitang-gilas din si Cebu native Rhenzi Kyle Sevillano na pambato ng Far Eastern University chess team sa kanyang 5.0 puntos para masikwat ang top College award plum.

Ang iba pang nagwagi sa iba’tibang kategorya ay sina 7-years-old Al-Basher Buto (youngest participant), Justine Diego Mordido (top 14-years-old and below), Kylen Joy Mordido (top lady) at Mark Christian Daluz (top Letranista).