Ni REGGEE BONOAN

PORMAL nang ipinakilala sa entertainment media ang bagong boy group na Clique 5 na binubuo nina Marco, Karl, Sean, Clay at Josh na pawang bagets pa kaya tiyak na marami ang magkakagustong girls sa kanila.

CLIQUE5 copy

Kasabay ng pagpapakilala sa Clique 5 ay ipinarinig din nila ang kanilang Christmas song na may titulong Tuwing Pasko in digital format na sinulat ni Joven Tan, ang nagsulat din ng hit song na Pare, Mahal Mo Raw Ako na kinanta ni Michael Pangilinan.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Bukod sa Christmas song, sinulat din ni Joven ang mga awiting Bakit Hindi, Puwede Ba, Teka Muna na nakaka-LSS (last song syndrome).

Dumaan muna ang Clique 5 sa acting workshops sa PETA, voice lessons at personality development training bago nag-recording.

“Ayaw namin na half-baked o hilaw ang Clique 5 kapag isinalang na namin. Gusto namin prepared sila at ready na talaga sa mundong papasukin nila,” pahayag ng namamahala sa grupo na si Ms. Kathy Obispo ng 3:16 Events & Management.

Ano ang edge ng Clique 5 sa ibang boy band?

“The group is a total package. Puwede silang kumanta, sumayaw at umarte. Hindi limited ang kanilang talento kahit saan p’wede silang isalang,”say ni Ms. Len Carillo na kasama rin sa 3:16 Events and Management.

Ang apat sa mga miyembro ng Clique 5 (Josh, Karl, Sean at Marco) ay produkto ng artista search na Circle of 10 na siya ring naglunsad sa career nina Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Dion Ignacio at maraming iba pa.

Nilinaw ng mga namamahala sa career ng limang bagets na kahit grupo sila, maaari ring magsolo ang bawat isa kung kukunin sa serye o pelikula, commercial endorsements o modelling assignments.

Mukhang mahaba ang pisi ng 3:16 Events & Management Company dahil talagang tutukan nila ang Clique 5 hangga’t hindi ito sumisikat.