Ni: Nitz Miralles

SA Lunes na ang pilot airing ng Kambal, Karibal, ang bagong teleserye ng GMA-7 na pagbibidahan ng BiGuel na tambalan nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Miguel at Bianca (9) copy

Sobra ang pasasalamat ng dalawa sa muling pagtitiwala ng Kapuso Network sa kanila, kaya nangako sina Miguel at Bianca na gagawin ang lahat para mapaganda ang teleserye.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Kasama sina Bianca at Miguel sa mga pinasalamatan ni Direk Don Michael Perez sa speech nito na ibinibigay ng cast members ang 100 percent cooperation sa taping.

Aminado sina Miguel at Bianca na napi-pressure sila dahil ang papalitan nila ay ang Alyas Robin Hood 2 ni Dingdong Dantes sa primetime.

“It’s not that easy dahil show ni Kuya Dingdong ang papalitan namin, sobrang pressure sa amin ‘yun. ‘Tapos mabigat ang programang tatapatan namin... kung anuman ‘yung show na tatapatan namin. Pero, lets’ give Kambal, Karibal a chance at sigurado kami ni Miguel na magugustuhan din nila,” sabi ni Bianca.

Ano ang reaction ni Bianca sa comments na isa siya sa pinakamagandang young actress ngayon?

“Sobrang thankful ako na napapansin nila ako at nagpapasalamat din sa lahat ng blessings na dumarating sa akin. Hindi lang doon sa maganda raw ako, pati na rin sa mga project na dumadating. Isa na nga itong Kambal, Karibal at ang pelikulang Barbi, D’ Wonder Beki. First movie namin together ni Miguel ‘yun, kaya thank you sa OctoArts Films at M-Zet Films,” pahayag ng dalaga.