Ni: Fer Taboy

Nakubkob ng mga tauhan ng Philippine Army ang tatlong kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato, inihayag kahapon.

Ayon sa 6th Infantry (Kampilan) Division, nakubkob ng mga tauhan ng 7th Infantry Battalion at 602nd Brigade ng Army ang tatlong kampo ng BIFF sa Barangay Tonganon at Bgy. Bentangan sa Carmen, North Cotabato.

Sinabi ni Capt. Arvin Encinas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, na nadiskubre sa tatlong kampo ang ilang kubo, sari-saring bala at mga personal na gamit na inabandona ng pangkat ni Esmail Abdulmalik, alyas Kumander Abu Torayfe, ng BIFF-ISIS inspired group.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasabay nito, target ngayon ng operasyon ng militar ang isang malaking kuweba na kuta ng mga terorista sa North Cotabato.

Target din ng militar ang 10 high-value target at mga dayuhang terorista.

Nagsilikas ang mga residente nang unang salakayin at mapatay ang pitong miyembro ng BIFF, at 11 ang nasugatan sa inilunsad na air-to-ground assault ng militar sa North Cotabato.