HANDA na ang lahat para sa pinakamalaking international cockfighting derby sa bansa – ang 2018 World Slasher Cup – na nakatakda sa Enero 29 hanggang Pebrero 7 sa Smart Araneta Coliseum.

world copy

Muli, inaasahan ang pagdagsa ng mga foreign participants para maiparada ang ipinagmamalaki nilang mga lahi ng manok-panabong at makamit ang minimithing kampeonato.

Itinuturing “Olympics of Cockfighting,” ang 2018 World Slasher Cup (WSC) ang inaasahang mas magbibigay ng kapanabikan sa mga lalahok bunsod nang presensiya ni WSC 2017 first edition lone champ Frank Berin. Kabilang din si Berin sa sa tatlong nagkampeon sa WSC 2017 May edition kung saan ang ipinagmamalaki niyang Mulawin ay nakatabla sa Escolin Eslabon ng magkapatid na Martin at Marlon Escolin, at Lucban ni Anthony Lim.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“All the best fighting cocks compete here,” pahayag ni Berin.

Kabilang din sa aabangan ang dating kampeon na si Joey Melendez na inaasahang magpaparada nang matitibay na lahi para muling masikwat ang World title.

“If you want to prove how good you are, you come here to WSC,” aniya.

Bilang paghahanda, may pagkakataon ang mga breeders na rebyuhina ng kaganapan sa nakaraang Slashers Cup sa ibinebentang Limited Edition 15-disc 2017 World Slasher Cup DVD set na mabibili sa SNAXX counters ng Gateway Mall at Smart Araneta Coliseum.