Mga Laro Ngayon (MOA Arena)

11 n.u. -- UE vs UST (w)

4 n.h. -- FEU vs Ateneo (srs)

INAMIN ni UAAP ni Executive Director Rebo Saguisag na may batayan ang reklamo ng Adamson sa ‘tisoy’ na tawagan ng mga referee sa Final Four playoff ng Falcons at La Salle Green Archers nitong Nobyembre 18.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Saguisag, inilagay nila sa ‘under evaluation’ ang reklamong isinampa ng pamunuan ng Adamson hingil sa tawagan ng referee sa naturang laro na pin agwagihan ng Green Archers.

Ngunit, bilang pagtugon, kaagad umanong sinuspinde at posibleng ma-ban kung mapapatunayang may pagkakamali ang mga referees na nag-officiate ngayong season at sa susunod na taom.

Sa liham na ipinadala ni Saguisag kay Adamson University president Fr. Aldin Suan, sinabi ng una na kasalukuyang “under evaluation “ ang nasabing laro ng Soaring Falcons at Green Archers noong nakaraang Nobyembre 18.

Hindi rin papayagan ang tatlong referees -- Enan Alejo, Ian Borbe at Mollie de Luna – na makatawag sa mga nalalabing laro ngayong season.

“First of all, you are not alone. I called for an emergency meeting the very next day to address the seeming public outrage over the said game,” nakasaad sa liham na may lagda ni Saguisag. “Invited in the said meeting were Mr. Mark Molina in his capacity as Host/Tournament Director and Ms. Erika Dy of Ateneo to send a message to the referees that much is at stake.”

“While we are still in the process of evaluating the whole game together with the statistics, the officials that worked your game were immediately suspended with two strongly recommended for being banned for the rest of the season, if only to preserve public confidence in our league.”

Ang nasabing desisyon ng UAAP ay tugon sa protestang inihain ng Adamson noong Lunes ng umaga na isinampa ni Suan kung saan hinihiling nilang repasuhin ang tape ng nasabing laban.

Samantala, target ng Far Eastern University na makumpleto ang ‘upset’ laban sa NO.1 seed Ateneo sa muling pagtutuos ngayon ganap na 4:00 ng hapon sa MOA.

Tangan ng Blue Eagles ang ‘twice-to-beat’ na bentahe, ngunit nalagay sila sa alanganin nang gapiin ng FEU Tamaraws nitong Linggo, 80-67. - Marivic Awitan