Ni ROBERT R. REQUINTINA

TULUNGAN ang inyong paboritong Universe 2017 candidate na makapasok sa semifinals sa Nobyembre 26 (Nobyembre 27 sa Pilipinas) sa pamamagitan ng online voting.

MIGZ AT RACHEL copy

Ito ang pahayag ng Miss Universe Organization (MUO) at maaaring bumoto sa dalawang paraan:

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

1) Upang makaboto online, bisitahin ang vote.missuniverse.com. Mayroong sampung boto ang bawat supporter kada araw para sa kani-kanilang paboritong kandidata. Tandaan na i-click ang “Confirm Votes” para mabilang ang mga ito.

2) Para makaboto sa pamamagitan ng Twitter, mag-tweet lamang o mag-re-tweet ng #MISSUNIVERSE at ng iyong napiling kandidata (#COUNTRY). Samantalahin ang pagkakataong makaboto sa pamamagitan ng retweeting.

Inilahad ng MUO na ang online voting ay magtatapos sa Sabado, Nobyembre 25, isang araw bago ang finals na gaganapin sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada.

“Voting is open to anyone 14 years and over. Votes cast outside of the voting period (1 PM ET Monday November 20, 2017 – 1 PM ET Saturday, November 25, 2017) will not be counted as votes. Only votes that comply with the instructions and these Voting Rules and Procedures will be counted. Voting using third party applications are prohibited.”

Mayroong 92 kandidata na magtutunggali para sa titulo ng Miss Universe ngayon taon, na una sa kasaysayan.

*Para sa mga Pilipino

Nagpasalamat si Miss Philippines Rachel Peters, 26, sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta sa kanya sa 66th Miss Universe beauty pageant.

“I have the whole Philippines behind me. They inspire me, they motivate me even when I’m tired and jet-lagged.

Reading their messages makes me want to get up and do good for them,” ani Peters sa introduction video na ibinahagi ng MUO kamakailan.

Hinikayat din ni Rachel ang publiko na palaganapin ang pagmamahal at pagbibigayan.

“While you’re here on this earth, do what you love, be with the people you love, and spread as much love and kindness to as many people as you can. You always want to be remembered as a nice person, somebody who is kind to everyone, and somebody who made a difference in the world,” lahad ng beauty queen.

Sinabi rin ni Rachel sa video na mahal niya ang surfing. “The first time I tried surfing, it is so addictive. And when you catch your first wave, the adrenalin rush that you get is amazing.”

*Papunta na sa Las Vegas

Sinabi ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte na lilipad siya papuntang Las Vegas upang suportahan ng kanyang girlfriend.

“Kapag wala daw ako doon sa 24 ay papagalitan niya raw ako. Kaya susunod tayo,” ani Villafuerte sa panayam ng ABS-CBN. 

Nang hingan ng mensahe para kay Rachel, ang sabi ni Migz: “To Rachel, just continue to do your best. No matter what happens, I am always here for you, (as well as) your parents, your brother, and your family who will always believe in you and love you.” 

“I know na ikaw ang susunod na Miss Universe. Kung hindi Miss Universe, Miss Universe ng buhay ko,” lahad ng gobernador. 

Ikinuwento ni Migz na patuloy silang nag-uusap ni Rachel kahit na magkalayo. “Every day po kausap ko si Rachel.

Masaya ang kanyang demeanor pero ako naman ang kinakabahan, ‘di ko alam kung bakit.” 

Una nang inihayag ng Bicolano young politician sa Instagram na siya ay “coconuts” kay Peters. “I’ll always be your number 1 fan, my love.”