Ni ADOR SALUTA

SA pangalawang pagkakataon, ikinasal ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Niña Jose sa alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Mayor Cezar Quiambao.

Ginanap ang kasalan noong Biyernes, November 10 sa Bayambang Cathedral na dinaluhan ng kanilang mga kaanak, kaibigan at mga kaalyado sa pulitika.

Niña at Mayor Quiambao
Niña at Mayor Quiambao
Nauna nang ikinasal sina Niña at Mayor Quiambao last January sa isang civil ceremony. Nasa 29 na taong gulang ang dating aktres at halos doble ang edad sa napangasawang alkalde.

Tsika at Intriga

Okay na ba? Andi at Philmar, naispatang kumakain daw kasama ang pamilya

Wala naman daw problema kina Mayor Quiambao at Niña ang agwat ng kanilang edad kaya nga naganap ang pangalawang kasalan, na itinuturing na pinakabonggang kasal sa kanilang probinsiya.

Si Mayor Quiambao ay kilalang bilyonaryong negosyante ng Bayambang. Siya ang may-ari ng Stradcom Corporation, isang information technology company. Tumakbo siya bilang independent candidate noong nakaraang eleksiyon at nanalo.

Bago sila ikinasal nitong November 10, naging aktibo na si Niña sa ilang community activities sa Bayambang.

Sumali si Niña sa Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006. Bago siya naging housemate ni Kuya ay naging miyembro siya ng Star Magic Circle. Huling napanood si Niña sa Maalaala Mo Kaya last year kasama ang isa ring PBB housemate na si Miho Nashida.