MADRID (AFP) – Nahihirapan ang Spain at Portugal sa mapinsalang tagtuyot na halos sinaid ang mga ilog, nagbunsod ng mga nakamamatay na wildfire at sinira ang mga pananim – at nagbabala ang mga eksperto na mas mapapadalas na mahahabang tagtuyot.

Halos buong Portugal ang nakararanas ng matinding tagtuyot nitong nakalipas na anim na buwan, na hindi pa nangyari simula 2005. Malaking bahagi ng Spain ang halos hindi nakatikim ng ulan na hindi pangkaraniwan.

‘’There are rivers, springs, which neither I, at the age of 45, nor my parents, nor my grandparents, have seen dry which have dried up,’’ sabi ni Jose Ramon Gonzalez, rancher sa karaniwang maulan na northwestern region ng Galicia sa Spain.

Kasing tindi nito ang naranasan ng mga magsasaka sa kabila ng hangganan sa katabing Portugal.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang mga tigang na sakahan at kagubatan ay nagbunsod ng mga wildfire, na ikinamatay ng 109 katao ngayong taon sa Portugal at lima sa Galicia.