Handa na si dating Japanese featherweight champion Shota Hayashi na agawin ang titulo ni WBO International titlist Mark Magsayo sa kanilang sagupaan sa Nobyembre 25 sa Tagbilaran City, Bohol.

Kasama ni Hayashi ang kanyang manedyer at promoter na si Hatanaka Kiyoshi at magsisimulang magsanay sa klima ng Pilipinas sa layuning maagaw ang korona at world rankings ni Magsayo.

“I saw how he (Magsayo) was almost stopped by American (Chris) Avalos and all I need is to be aggressive to beat him,” ani Hayashi.

Bumagsak si Magsayo sa 3rd round at muntik mapatigil ni Avalos sa kanilang laban noong Abril 23, 2016 sa Cebu City ngunit nakarekober siya para talunin sa 6th round technical knockout ang matibay na two-time world title challenger.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

May rekord si Magsayo na perpektong 17 panalo, 13 sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Hayashi na may kartadang 30-6-1 a may 18 panalo sa knockouts. - Gilbert Espeña