Inaresto ng mga nagpapatrulyang pulis ang dalawang lalaki na naaktuhang nagsusugal ng cara y cruz sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi.

Kasalukuyang nakakulong sa Taguig City Police ang mga inaresto na sina Richard Gonzales y Purcia, 31, ng Parañaque City; at Mahaimen Abdul y Unda, 22, No. 29 Rogan Street, Maharlika, Taguig City.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), hinuli ang mga suspek sa Poolan St., Barangay Upper Bicutan, Taguig City, dakong 6:35 ng gabi.

Nagpapatrulya ang mga pulis sa nasabing lugar nang madatnan ang mga suspek na abala sa cara y cruz at magkasabay dinampot.

Narekober kina Gonzales at Abdul ang P370 pusta at tatlong barya na umano’y ginamit na pamato sa sugal.

National

VP Sara kung ma-impeach: 'Yan ay sinulat na ng Diyos'

Kapwa sila kinasuhan ng paglabag sa PD 1602 o Anti-Gambling Law. - Bella Gamotea