Ni BELLA GAMOTEA

PINAGKAGULUHAN ng mga Parañaqueño ang tatlong oras na homecoming motorcade/parade ni Reina Hispanoamericana Teresita Ssen “Winwyn” Marquez sa kanyang pagbabalik sa kinalakhang lungsod kahapon ng umaga.

WINWYN copy

Mainit na sinalubong si Winwyn ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, mga kawani at empleyado nang dumalo siya sa flag raising ceremony sa harapan ng city hall.

Human-Interest

200 footprints ng dinosaur natagpuan sa England?

Tumanggap si Winwyn ng plaque of recognition mula sa Parañaque local government na iniabot mismo ng alkalde bilang pagkilala sa kanyang iniuwing karangalan mula sa sinalihang international pageant sa Bolivia.

Kasama ni Winwyn ang kanyang amang si Joey Marquez na dating alkalde ng siyudad, inang si Alma Moreno at kapatid na si Vandolph Quizon.

Pinasalamatan ni Winwyn ang lokal na pamahalaan, mga mamamayan ng Parañaque at ang lahat ng mga sumuporta sa kanya sa kasagsagan ng kanyang pakikipagtunggali sa ibang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa.

Sabi ni Winwyn, si Olivarez ang tumulong sa kanya upang makasama niya ang kanyang kapatid at tiyahin patungong Bolivia na tanging pumalakpak sa kanya habang nasa itaas siya ng entablado.

Sakay si Winwyn ng isang van kasama ang kanyang motorcade sa paglilibot sa lungsod bilang pasasalamat.