NI: Rizaldy Comanda

Namatay ang isang lokal na turista makaraang mapagod sa pag-akyat sa bundok na dinadayo dahil sa sikat na mambabatok na si Apo Whang-Od, sa Buscala, Tinglayan, Kalinga.

Sa ulat ng Tinglayan Municipal Police, kinilala ang nasawing si Agustina Ng Delos Reyes, 55, balo, at nakatira sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon sa pulisya, nitong Sabado ay kasama ng biktima ang kanyang anak na babae at iba pang lokal na turista, gayundin ang tourist guide na si Raffy Ba-od, 27, nang pumunta ang mga ito sa pinakamatandang mambabatok na si Whang-Od, upang makita ito nang personal at magpa-tattoo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Inakyat nila ang matarik na bundok upang makarating sa tinitirhan ni Whang-Od sa Barangay Buscala, at dakong 12:31 ng tanghali nang marating ng grupo ang mismong lugar, bago nagpahinga sa Raffy Souvenir Hut.

Maya-maya ay nakaramdam umano ng hilo si Delos Reyes hanggang nawalan ng malay, at tuluyang binawian ng buhay.