TILA nagising ang damdamin ng Far Eastern University sa ginawang ‘pep talk’ ni dating Tamaraws star Arwind Santos bago ang laban ng FEU sa top seed Ateneo sa UAAP Season 80 Final Four.

Dehado sa laban, pumukpok ng todo ang Tamaraws para masuwag ang Blue Eagles, 80-67, nitong Linggo para maipuwersa ang ‘do-or-die’ sa kanilang Final Four playoff series.

Hindi kinakitaan ng takot ang fourth-seeded Tamaraws mula simula hanggang sa final buzzer na tunay namang ikinalugod ni coach Olsen Racela.

Nakatakda ang ‘winner-take-all’ bukas sa MOA Arena.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghihintay sa Finals ang defending champion La Salle Green Archers matapos ang magaan na panalo sa Adamson Falcons sa unang playoff match.

“Right now, we haven’t done anything yet. Ang nakuha lang namin is to take away the twice-to-beat advantage of Ateneo,” pahayag ni Racela, pambato ng Ateneo noong collegiate years.

“We are looking forward to Wednesday’s game and see what we can do and try to stop a very strong team like Ateneo,” aniya.

Muling sasandigan ni Racela si FEU senior Ron Dennison na kumana ng 17 puntos, walong rebounds at tatlong assists.

Nanguna naman sa Ateneo si Thirdy Ravena na may 17 puntos.

Iskor:

FEU (80) - Dennison 17, Tolentino 13, Cani 11, Orizu 10, Escoto 9, Inigo 8, Trinidad 5, Parker 4, Ebona 3, Comboy 0, Bayquin 0, Ramirez 0, Stockton 0, Tuffin 0.

ADMU (67) - Ravena 17, Mi. Nieto 13, Ma. Nieto 11, Go 9, Tolentino 5, Mendoza 4, Asistio 3, Tio 3, Verano 2, Ikeh 0, Black 0, Mamuyac 0, Mallillin 0.

Quarters: 21-15, 38-35, 59-48, 80-67.