NASIPIT, Agusan del Norte – Patay ang isang sundalo at dalawang iba pa ang nasugatan, kabilang ang isang opisyal, nang makaengkwentro ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa liblib na lugar sa Kilometer 7, Barangay Camagong sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte.

Iniulat naman na ilang miyembro ng NPA ang napatay at nasugatan sa bakbakan.

Tinutugis pa rin ng tropa ng 23rd Infantry Battallion (23rd IB) ng Philippine Army ang mga tumakas na rebelde na pinaniniwalaang miyembro ng guerilla-Front Committee 4-A ng CPP-NPA Northeastern Mindanao regional Committee (NEMRC).

Hindi pa isinasapubliko ng pagkakakilanlan ng napatay na sundalo, gayundin ang dalawang nasugatan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa inisyal na report, nagkasa ang mga elemento ng 23rd IB ng combat operation sa Bgy. Camagon nang makaengkwentro ang grupo ng mga rebeldeng pinamumunuan ng isang “Commander Baking”, dakong 7:16 ng umaga nitong Linggo.- Mike U. Crismundo