Ni ROBERT R. REQUINTINA

ILANG araw bago isagawa ang Miss Universe 2017 pageant, nagiging paboritong early favorites ang mga kinatawan ng South Africa, Thailand at Pilipinas para mag-uwi ng korona, ayon sa one-stop-shop na nagbibigay ng current at accurate sports gaming information na nakabase sa Ireland.

Africa-PHL_miss u copy copy

Nangunguna sa listahan si Miss South Africa Demi-Leigh Nel-Peters sa +250. Pumapangalawa sa kanya si Miss Thailand Maria Poonlertlarp sa +300, ayon sa betting site na Covers.com.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Okupado ang No. 3 ni Miss Philippines Rachel Peters sa +600; kasunod si Miss Colombia Laura Gonzales sa +800, at Miss Venezuela Keysi Sayago at Miss USA Kara McCullough, na parehong may +1,100.

Ang 66th Miss Universe pageant ay gaganapin sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada sa Linggo, Nobyembre 26 (Lunes ng umaga, Nov. 27, sa Pilipinas).

Siyamnapu’t tatlong contestants ang magtutunggali sa prestihiyosong pageant ngayong taon, ang pinakamarami sa kasaysayan ng Miss Universe.

Unang paglahok ngayong taon ng mga kandidata mula Cambodia, Laos at Nepal.

Nitong nakaraang Sabado, ipinakita ng mga kandidata ang kanilang national costumes. Rumampa si Rachel sa runway suot ang gold Sarimanok ensemble na dinisenyo ni Val Taguba. Sa Nobyembre 20 (Nov. 21 sa Pilipinas), ang mga kandidata ay magtutunggali sa pagtatanghal para makakuha ng puwesto sa semi-finals. Ang resulta ay ihahayag sa Nobyembre 26.

Si Iris Mittenaere ng France, na kinoronahan sa Manila noong Enero, ang magpapasa ng korona sa bagong magiging Miss Universe sa pagtatapos ng show.

Hoping for the best

Ayon kay Rodgil Flores, head ng Kagandahang Flores beauty camp na nag-train kay Peters, hindi siya pressured sa winning streak ng ibang Filipino beauty queens na inalagaan ng kanyang grupo.

“Not necessarily pressured but I’m hoping for the best for Rachel,” sabi ni Rodgil, sa isang exclusive interview, nang tanungin kung pressured ba siyang maipanalo si Peters.

Ayon pa kay Rodgil, na sinamahan ang Bicolana beauty queen sa Las Vegas, nag-transform si Rachel bilang beauty queen na karapat-dapat sa titulo bilang Miss Universe.

“She did her very best. You’ve seen her transformation. And it’s a remarkable transformation,” aniya. “Her styling, catwalk, projection, it’s Miss Universe caliber already.”

Nang tanungin kung ano ang dapat gawin ni Peters para manalo, sabi ni Rodgel: “All she has to do is focus and integrate everything.”

Ang Pilipinas ay nagkaroon na ng tatlong Miss Universe -- sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973) at Pia Alonzo Wurtzbach (2015).