Ni: PNA

HAHARAPIN ni dating interim WBO Asia Pacific Youth champion Glenn “The Rock” Porras ng Philippines si dating orld title challenger Noldi Manakane ng Indonesia para sa bakanteng WBC Asia Boxing Council super bantamweight title sa Nobyembre 25 sa UM Gym sa Tagum City, Davao del Norte.

Ang 10-round title fight ay isa sa apat na championships sa “The Redemption” boxing promotion ng MB Northstar Boxing Promotions at RATIM Sports Promotion.

Itinataguyod ito ng Tagum Circue of Shooters Inc. at Maco Golden Valley Eagles Club.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naunang nakopo ni Porras, pambato ng Panabo City at nakabase sa MB Northstar Boxing Stable, ang bakanteng Mindanao Professional Boxing Federation (MinProBA) super bantamweight nang pabagsakin si Dingdong Quinones sa unang round nitong September 15 sa Panabo City Gym.

Tangan ni Porras ang kartang 30-6-0, tampok ang 18 KOs. Dati na rin niyang napagwagihan ang interim WBO Asia Pacific Youth at Philippine bantamweight champion.

Sa kabila nito, sinabi ng manager ni Porras na si Jilson Basang na huwag magkumpiyansa sa karibal.

“Matibay at beterano din yun kalaban ni Porras,” pahayag ni Basang.

Tangan ni Manakane ang 32 panalo, kabilang ang 18 knockouts. Hawak niya dati ang PABA bantamweight, Indonesia Boxing Association (IBA) featherweight, super bantamweight at super flyweight champion.

Sumabak si Manakane sa WBA World bantamweight champion Koki Kameda sa Japan noong April 4, 2012, ngunit nabigi bia unanimous decision.