NI: PNA
NABIGO si Cebuano Arthur Craig Pantino kay top seed Japanese Shinsuke Mitsui, 6-3, 6-3, nitong Linggo sa boys’ singles final ng Phinma-PSC International Juniors 1 sa Manila Polo Club indoor claycourt sa Makati City.
Sa kabila ng kabiguan, taas-noo si Pantino, sumabak sa 15 international tournaments ngayong taon. Naging semifinalist siya sa ITF Junior Becamex Cup nitong Hulyo sa Vietnam.
Bukod dito, tangan ni Pantino ang men’s double title nang magwagi ang tambalan nila Michael Francis Eala nitong Sabado kontra No.3 seed Kei Manaka at Taiyo Yamanaka ng Japan, 6-2, 6-2.
Nadugtungan ng world’s No. 264 na si Mitsui ang tagumpay sa international event nang pagwagihan din niya ang Northern Marianas Juniors Championships nitong Mayo.
Nakamit naman ni American Nicole Hammon, ang girls’ singles title kontra sa kababayan niyang si Elizabeth Stevens, 6-1, 6-3.
Naiuwi naman nina Hammond at Stevens ang doubles title kontra sa tandem nina Li Jingyi at Tian Fangram, ng Japan, 6-3, 6-4.
Samantala, isasagawa ang second leg ng Phinma-PSC International Juniors sa Martes.
Nangunguna sa listahan sa boys division sina John Bryan Otico, highest world-ranked player sa main draw, gayundin si No. 127 Indian Megh Bhargay Patel (No. 167), habang sina Australian Lisa Mays, ranked No. 260 in the world juniors, ang mangungun sa distaff side.