Isang multi-national Japanese company ang magsu-supply ng 120 bagong bagon para sa Light Rail Transit (LRT) Line 1.
Sa isang pahayag khapon, sinabi ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na iginawad ng Department of Transportation (DOTr) ang kontrata sa Mitsubishi Corporation para mag-supply ng 120 rolling stocks sa LRT Line 1 simula 2020 hanggang 2022.
Ang proyektong ito ay bahagi ng JPY 43,252 milyon Official Development Assistance (ODA) loan ng JICA para sa ‘Capacity Enhancement of Mass Transit Systems in Metro Manila Project’ na naglalayong suportahan ang quality transport infrastructure sa Pilipinas.
Sa oras na makumpleto, ang bagong rolling stocks ng LRT Line 1 ay kayang magsakay ng 1,388 pasahero sa bawat train at mahigit doble ng bilang ng mga tumatakbong tren na nasa 222. - Roy C. Mabasa