ALL hail Queen Bey.
Inilabas nitong Lunes ng Forbes ang listahan ng highest-paid women in music ngayong 2017 at ibinunyag na nangunguna si Beyoncé na kumita ng $105 million dollars pretax. Siya lamang ang nakakuha ng nine-figures milestone sa listahan.
Pumangalawa si Adele, na kumita ng two-thirds ng kabuuang kita ni Beyoncé o $69 million dollars at sinundan nina Taylor Swift ($44 million), Celine Dion ($42 million), at Jennifer Lopez ($38 million).
Ang kabuuan at ranggo ng pretax income ay nagsimula noong Hunyo 1, 2016 hanggang Hunyo 1, 2017, at hindi kabilang dito ang fees charged ng agents, managers, lawyers, at iba pang payrolls ng diva.
Bilang resulta ng timeframe, hindi pumasok ang kita ng bagong album ni Swift na Reputation — ang best-selling music release ng 2017 — kaya hindi ito kabilang sa listahan. Sa halip, malaki ang maiimbag nito sa kabuuang kita niya para sa isang taon. - Entertainment Weekly