Tinanggap ni ABS-CBN Corporate Communications Head Kane Choa ang Best TV Station trophy.
Tinanggap ni ABS-CBN Corporate Communications Head Kane Choa ang Best TV Station trophy.

TINANGHAL na Best TV Station ang ABS-CBN na umani ng 22 awards para sa kanilang entertainment programs at personalities sa 3rd LionhearTV RAWR Awards, isang online award-giving body na binubuo ng fans at readers, blogging community, at industry leaders na kumikilala sa showbiz talents.

Ginawaran si Coco Martin ng Royal Lion Award, isa sa top awards pati na ng Actor of the Year at Magnanimous Lion of the Year awardee naman si Sarah Geronimo.

Kinilala rin ng blogging community ang ABS-CBN Corporate Communications bilang Blogger-Friendly Group at apat na awards naman ang napanalunan ng Wildflower kabilang na ang Teleserye of the Year, Actress of the Year (Maja Salvador), Ultimate Bida (Maja Salvador), at Ultimate Kontrabida (Aiko Melendez).

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Love Team of the Year naman ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber at nasungkit din ni Maymay ang Breakthrough Artist of the Year.

Kabilang din sa Kapamilya stars na pinarangalan sa RAWR Awards sina Darren Espanto (Favorite Performer of the Year), BoybandPH (Favorite Group), at Karla Estrada (Favorite TV Host).

Kinumpleto ang listahan ng winners mula sa Kapamilya Network ng iba’t ibang programa at personalidad kabilang sina Jake Zyrus (The Ultimate Comeback), Maris Racal (Beshie ng Taon), Vice Ganda (Pak na Pak na Comedian), Xia Vigor (Bibo Award), KZ Tandingan (Hugot Song of the Year for KZ’s rendition of Two Less Lonely People in the World), KathNiel (Fan Club of the Year), Can’t Help Falling in Love (Movie of the Year), at It’s Showtime (Trending Show of the Year).

Ibinoto ang lahat ng mga nagwagi ng fans at readers (50%), blogging community (25%), at industry leaders (25%).