Itinuturing na utak at financier sa pagpatay sa isang pulis ang anak ng isang dating alkalde sa Pangasinan, na naaresto kahapon sa bayan ng Laoac sa lalawigan.

Sa report kahapon ng Pangasinan Police Provincial Office, inaresto si Rufino Tabayoyong, alyas “Bong”, sa Barangay Panaga, Laoac, dakong 5:00 ng umaga sa bisa ng search warrant na may kinalaman sa illegal possession of firearms.

Subalit sa implementasyon ng search warrant ng mga pulis-Laoac, kasama ang mga tauhan ng Provincial Investigation Branch at Provincial Public Safety Company ng bayan ng Tayug, ay nakumpiskahan umano si Tabayoyong ng isang sachet ng shabu.

Ayon kay Senior Insp. Samuel Reyes, hepe ng Laoac Police, nakumpiskahan din umano ang suspek ng isang .45 caliber pistol, mga bala, at granada.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Si Tabayoyong ang itinuturong utak at financier sa pagpatay kay PO2 Jimbo Agtarap, ng San Carlos City Police, noong Hunyo 6, 2017.

Matatandaang binaril si Agtarap ng lalaking nakasakay sa van habang sakay sa kanyang motorsiklo sa San Carlos-Urbiztondo Road sa Barangay Agdao.

Nasugatan din sa nasabing insidente ang kasamahan ni Agtarap na si PO1 Rachael Cancino. - Liezle Basa Iñigo