ILALARGA ng Cantada Sports, sa pakikipagtulungan ng Philippine Volleyball Federation (PVF), ang 1st Tanduay Atletics Secondary (Under 18) Invitational Beach Volleyball Championships sa November 26 sa sand courts ng Cantada Sports Center sa Taguig City.

Tampok ang mga batang beach volleyball players sa torneo na naglalayon na palakasin ang programa sa sports. Sa kasalukuyan, kompirmado nang lalahok ang Baguio City, Zambales, Marinduque, Cavite, Isabela, FEU, NU, RTU, University of Makati, Olivares, at Pasay City High School.

Bukas pa ang pagpapatala ng lahok at inaaanyayahang tumawag sa mobile no. 09178332353 at 09266939640.

Bawat koponan ay nililimitahan lamang na magkaroon ng dalawang player sa boys at gilrd class. Sa mga nagnanais na sumaling eskwelahan, kailangang nag-aaral ang mga player at ipinanganak noong Nobyembre 29, 1991 o mas maaga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Libre ang paglahok, gayundin ang pagkain at pampalamig para sa lahat ng kalahok at officials. Sa mga koponan na magmumula sa lalawigan, handa rin ang Cantada Sports na maglaan ng libreng matutulugan at transportation.

“Ang amin pong hinahangad ay mabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na maipalamas nila ang kanilang kahusayan na hindi kailangan maglaan ng malaking pondo. Para tayo sa sports development kaya nararapat lamang na maibigay natin sa mga bata ang lahat ng pagkakataon,” pahayag ni PVF president Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada.