Joan, Paulo at Rachel
Joan, Paulo at Rachel

Ni ANNA LIZA VILLAS-ALAVAREN

NGAYONG nakumpleto na ang walong official entries, pinagsamang commercial at independent films, makakaasa ang publiko ng mas maganda at mas matatag na Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.  

Sa harap ng mga kontrobersiya, sinabi ni Noel Ferrer, tagapagsalita ng MMFF, na masaya ang organizers sa roster of entries na pinili ng selection committee batay sa script submission at finished film formats.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“After featuring all independent films in the previous festival, film production outfits were challenged to level up their movie entries,” ani Ferrer sa radio program ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa DZBB kahapon.

Ang MMFF, ang annual event ng MMDA, ay inorganisa upang makatulong sa pagsulong at pagtataguyod sa pagpipreserba, paglago at pag-unlad ng local film industry.

Kabilang sa apat na pelikulang pinili batay sa script submissions, ang: Ang Panday ng CCM Creative Productions Inc., idinerehe at pinagbibidahan ni Coco Martin; Meant to Beh ng Octo Arts Films, directed by Chris Martinez at pinagbibidahan nina Vic Sotto at Dawn Zulueta; Almost is Not Enough ng Quantum at MJM Productions, idinirehe ni Dan Villegas at pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay; at Gandarrapiddo: The Revenger Squad ng Star Cinema at Viva Films, directed by Joyce Bernal at pinagbibidahan nina Vice Ganda, Daniel Padilla, aty Pia Wurtzbach.

Ang apat na iba pang pelikula, pinili batay sa finished film formats ay ang Deadma Walking ng T-Rex Entertainment, idinehe ni Julius Alfonso at pinagbibidahan ni Joross Gamboa; Siargao ng TEN17P Productions, idinerehe ni Paul Soriano at pinagbibidahan nina Jericho Rosales at Erich Gonzales; Haunted Forest ng Regal Entertainment, directed by Ian Loreños at pinagbibidahan ni Jane Oineza; Ang Larawan ng Culturtrain Musicat Productions, idinerehe ni Loy Arcenas at pinagbibidahan nina Rachel Alejandro at Joanna Ampil.

Sinabi ni Ferrer na ang mga naglalaban-labang “family-oriented” films ay ipapalabas hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga sinehan sa buong bansa sa loob ng 14 araw mula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2018.

Umapela si Ferrer sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang mainstream films o karaniwang tinatawag na profit-oriented films.

 

“Let us not judge mainstream films are only for commercial purposes and lack the quality. Most of the directors in this year’s festival are from independent film directors,” ani Ferrer.

Sa larangan ng kinita, aminado si Ferrer na mababa ang kinita ng MMFF noong nakaraang taon sa hindi pagkakasama ng mainstream MMFF favorites at malalaking bituin na inaabanagan ng mga bata tuwing Pasko.

“We understand that movie goers were surprised with the changes last year and expectations of the public were not bridged,” ani Ferrer. 

Sinukat ang film-entries ngayong taon batay sa mga sumusunod na criteria: 40% artistic excellence; 40% commercial appeal; 10% promotion of Filipino cultural and historical values, at 10% global appeal.