Ni RIZALDY COMANDA

PATOK sa mall goers lalung-lalo na sa kabataan ang Disney Christmas Centerpiece, na Mickey & Minnie Mouse at nagtataasang Christmas Tree, na makikita sa may 61 SM malls sa bansa.

Sa Northen Luzon, itinatampok ng malls ang kani-kanilang Christmas centerpiece, bilang atraksiyon ngayong Holiday Seasons.

Human-Interest

New pet peeve unlocked: 'Parang nagfe-Facebook sa ATM dahil sa sobrang tagal!'

Ayon kay Karren Nobres, regional information manager, napapanahon na pasayahin ang kabataan habang nasa loob ng mall at masilayan ang Disney characters sa pamamagitan ng Christmas centerpiece.

Unang pinasinayaan at binuksan sa publiko ang centerpiece ng SM Baguio, na may titulong The Magical Christmas with Mickey and Minnie,kasama ang makukulay na ilaw ng 20 feet Christmas tree, noong Nobyembre 10.

Bukod dito, pinasaya ang mga manonood sa pagtatanghal ng Ballet Baguio Music of the Hearts at String Quarlet at kinantahan nina Isabela at Jeremy ng The Voice Teens.

Kasunod nito ang pagbubukas din ng unang Christmas centerpiece ng bagong SM Tuguegarao City sa Cagayan sa inilunsad na “We Love Disney Christmas” mula sa mga Disney characters na Tsum Tsum and Mickey Mouse and Friends, to Disney Princess and Frozen Sofia at Cars-3.

Patok din ang Mickey and Minnie Christmas village sa SM Cauayan City, Isabela at SM Rosales,Pangasinan; Disney Cars naman sa SM Tarlac City at Sophia, The Olaf’ Frozen Adventure sa SM Cabanatuan City, Nueva Ecija, na may 35 feet Christmas Tree.

[gallery ids="274511,274512,274513,274514,274515,274519,274518,274517,274516,274525,274524,274523,274521,274522"]