PANGUNGUNAHAN ni Las Piñas City Mayor Nene Aguilar, nagkamada ng 7.5 puntos noong nakarang Setyembre Master Breeders-1 at kamuntik ng nakasolong kampiyon kung tinalo ng kanyang panlaban ang manok ng hinirang na kampiyon na Genjenny ni Eugene Perez & Thunderbird Bexan-XP idol Pao Malvar, ang mga semifinalist sa ikalawang ratsadahan ngayon ng 2017 World Pitmasters Cup Master Breeders-2 9-Stag International Derby sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.

Si Aguilar na may dalawang walang-talong lahok, ang Super Striker AAO-1 at Super Striker AAO-2 ay sasabak upang manatiling malinis ang iskor at makapagtala ng limang puntos patungo sa 4-stag finals, kasama ang iba pang walang gurlis na sina Buboy Delos Santos (BBTG-B), BM Cholo/Mayor Goto (Fatboy-1), Cong. Amante/Cong Wacnang - Crowsland Cabadbaran White, Frank & Greg Berin – Mulawin, Nu/Dc/Raffy Julito (NU DC Thor 55), Atong Ang (Vikings 2) at Rj Mea/Boyet (R Star RJM).

Kasama rin sina Ramon Mancenares (R.M.R. Jay.Parlay), Cong. Patrick Antonio (Sagupaan Complexor Tony & Inguel Ignacio), SL-Don Rex/Rosemar (Sto.Angel), SL- Don Rex/Mike (Gallera De Mandaue), PGR27/Macy Antogop/Jeck Sabadisto (Ysay Gamefarm & Mike 21), James Paul Teves (Senior Alberto), Gary Tubianosa/Jay Soria (Supernova Whipper), Mayor Neil Lizares –(BNL The Adventures), LGM Dr. Bitoy Davao (LGM Durian Burg), Mayor Lumayag (Polomolok Sports Complex – 1),Marcu Del Rosario (Amara (One Capiz) at Ricky Magtuto (Ahluck Camsur 3).

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 10 araw na pandaigdigan labanan ng mga batang-tinale ay handog nina Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea at ni Thunderbird top corporate endorser Engr. Sonny Lagon sa pakikipagtulungan nina Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa.

Magtatapos ang semis bukas kung kailan muling maghaharap ang ikatlong grupo ng mga kalahok para sa pases papasok sa kampeonato.

Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Nob. 22 (A), 23 (B) & 24 (C).

Lahat naman ng may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-25 ng Nobyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.