TINIYAK ni IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas na hindi siya matatalo sa hometown decision nang dominahan si Irish challenger Jamie Conlan para mapatigil sa 6th round sa SSE Arena sa Belfast, Northern Ireland nitong Linggo.

Unang bumagsak si Conlan sa 1st round nang tamaan ng phantom body shot at muling bumagsak ang walang talong Irishman sa 3rd at 4th round.“Another body shot dropped Conlan again in the 5th round but was ruled a low blow by the referee,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.“Ancajas has been deducted a point as he was already warned by the referee a couple of times earlier for low blows.”

Ngunit, hindi na nakaligtas si Conlan nang muling tamaan ng pamatay na kanan ni Ancajas sa panga at biglang bumagsak sa huling yugto ng laban kaya napilitan ang referee na itigil ang sagupaan.

“In the 6th round, a right cross by Ancajas to the head of Conlan dropped the Belfast native again, who at this time appeared have been getting too much punishment,”dagdag sa ulat. “Although the brave Conlan was able to beat the count, the referee stopped the contest seeing Conlan unfit to continue.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ito ang ikatlong matagumpay na depensa ni Ancajas mula nang matamo ang IBF title kay Puerto Rican McJoe Arroyo noong 2016.

Malaki ang posibilidad ngayon ang reunification bout niya sinuman sa mga kampeon ng dibisyon na sina Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand (WBC), Naoya Inoue ng Japan (WBO) at Khalid Yafai ng Great Britain (WBA). - Gilbert Espeña