NALUSUTAN ni Davao Aguilas FC’s Angel Guirado ang depensa tungo sa ikalawang goal sa panalo kontra Kaya FC, 3-1.
NALUSUTAN ni Davao Aguilas FC’s Angel Guirado ang depensa tungo sa ikalawang goal sa panalo kontra Kaya FC, 3-1.

NAKOPO ng Team Davao Aguilas FC ang 3-1 panalo kontra Kaya FC Makati nitong Sabado sa Philippine Football League (PFL) sa Makati City.

Unang nakaiskor ng goal sa Davao Aguilas si Angel Guirado sa ika-26 minuto ng laro mula sa assist ni Enzo Cheng. Nagawang makatabla ng Kaya sa ika-58 minuto mula kay Alfred Osei.

Ngunit, kumubra nang magkasunod na goal sina Australian Harrison Sawyer sa ika-65 minuto at ang ikalawang goal sa laro ni Guirado sa ika-74 minuto.

Trending

Mathematical discovery ng guro sa Quezon, isa nga bang malaking kalokohan?

“Happy and satisfied and I think it is because the players really wanted to win tonight. The delivery and the process made us score a lot of goals tonight, and also the players responded well to each other,” pahayag ni Aguilas head coach Marlon Maro.

Tinanghal na ‘man of the match’ si Guirado.

“For me the team is more important because, the team worked good tonight. I’m happy because I scored, but more importantly, the team has 3 points more and I’m also looking forward to our next season. This boosts the confidence of the team,” aniya.

Sunod na makakaharap ng Davao Aguilas FC’ ang JPV Marikina sa November 21 ganap na 7 ng gabi, gayundin sa Nov. 25 ganap na 4:00 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum.