Umaasa si Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi na ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang pangunguna sa kampanya kontra droga.
Ayon kay Drilon, malinaw naman sa batas na ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dapat na manguna sa pagsugpo sa droga at susuporta lamang ang PNP at ibang ahensiya ng pamahalaan.
Inilipat sa PDEA ang kampanya sa droga nitong nakalipas na buwan, pero noong Sabado sinabi ni Pangulong Duterte na ibabalik niya sa PNP ang pangunguna rito.
“Sana naman huwag na,” ani Drilon. - Leonel M. Abasola